Dismayado ang Manila Police District o MPD sa ginawang executive session ng Senado sa kaso ng pagkamatay ng hazing victim na si Horacio Castillo III.
Ayon kay MPD Spokesman Superintendent Erwin Margarejo, bukod sa walang napiga ang mga senador mula kay Solano ay nagkaroon pa ng executive session kung saan hindi maaaring isapubliko ang mga ibinulgar ni Solano.
Gayunman, nauna nang ipinahayag ni Solano sa Senate inquiry na nagsinungaling siya kaugnay sa mga detalye kung paano nakita ang katawan ni Atio at dinala ito sa ospital.
Nilinaw naman ni Senador Migz Zubiri na puwedeng isapubliko ang mga pinag-usapan sa executive session ngunit kailangan pagbotohan muna ito ng mga senador.