Sinimulan na ng Manila Police District o MPD ang pagpapakalat ng mga pulis sa mga lugar kung saan magkakaroon ng selebrasyon at protesta para sa ika-isandaan at dalawampung anibersaryo ng Independence Day.
Ayon kay Chief Superintendent Rolando Anduyan, Hepe ng MPD, mas marami pang pulis ang kanilang ipadadala sa Luneta at sa Liwasang Bonifacio bukas dahil sa ‘Hindi-pendence Day Protest’ ng iba’t ibang mga grupo.
Tutulong anya ang mga pulis mula sa PNP-NCRPO Civil Disturbance Management Unit upang mamintini ang seguridad sa mga kilos protesta na inaasahang magsisimula ng alas-4:00 ng hapon.
Gayunman, sinabi ni Anduyan na wala silang namomonitor na anumang banta sa seguridad para sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan.
—-