Naipadala na ng mga magulang ni UST hazing victim Horacio ‘Atio‘ Castillo III ang kanilang DNA sample para maikumpara sa foresic evidences na nakalap ng mga awtoridad mula sa library ng Aegis Juris Fraternity.
Kinumpirma ni MPD o Manila Police District Director Joel Coronel na sumailalim sa blood analysis, finger printing at fiber trace examination ang mga magulang ni Castillo.
Ikukumpara ang DNA samples sa body fluids na narekober sa Aegis Juris Fraternity Library sa Navarra street, Sampaloc kung saan sinasabing isinagawa ang initiation rites.
Ayon kay Coronel, lahat ng ebidensyang narekober sa frat library ay itinurn-over na sa PNP-Crime Laboratory na nagsasagawa ng chemical forensic analysis.
May lead na rin anya sila sa kinaroroonan ng iba pang suspek pero hinihintay pa nila ang warrant of arrest.
Samantala, ipinabatid ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na makikipagkita sa Pangulong Rodrigo Duterte sa October 4 ang mga magulang ni Atio na sina Mini at Horacio Jr.
—-