Inaasahang 5M devotees ang makikiisa sa Walk of Faith Procession sa linggo, January 8 kaugnay sa kapistahan ng Itim na Nazareno sa Lunes, January 9.
Ayon ito kay MPD chief PBGEN Andre Dizon kasabay ang pagsasabing 5,000 pulis ang ikakalat nila sa mga lugar na pagdarausan ng mga aktibidad sa kapistahan ng Itim na Nazareno ngayong taon.
Ang Walk of Faith Procession na magsisilbing alternatibo sa tradisyunal na traslacion ay magsisimula sa Quirino Grandstand hanggang simbahan ng Quiapo sa January 8 mula alas-2 ng madaling araw hanggang alas-4 ng madaling araw.
Hindi kagaya sa traslascion, ang imahe ng Black Nazarene ay hindi ilalabas o isasama sa Walk of Faith Procession.
Una nang pinabatid ni Nazareno 2023 Adviser Alex Irasga na isasagawa pa rin ang traditional activities maliban lamang sa pahalik at pasanan, bilang pag obserba pa rin sa Covid-19 health protocols.