Nag-inspeksiyon ang Manila Police District (MPD) sa ilang sementeryo sa Maynila bilang paghahanda sa Undas 2022.
Nilibot ng mga tauhan ng MPD ang mga puntod ng mga yumaong mahal sa buhay maging ang mga tinitirhan ng mga nagbabantay sa loob ng sementeryo.
Ayon sa MPD, handa na ang kanilang tauhan at nakalatag narin ang seguridad para sa All Saints Day at All Souls Day.
Bukod pa dito, ipinakalat na rin ang 1k mga Pulis na siyang magbabantay sa mga sementeryo sa lungsod, kasabay ng pagpapatupad ng Anti-Criminality Procedure para matiyak ang kaligtasan ng mga bibisita sa kanilang namatay na kaanak.
Sisimulan ang pagbubukas sa mga sementeryo sa Maynila sa Oktober 29 na tatagal naman hanggang sa November 2.
Samantala, muli namang ipinaalala ng mga otoridad ang mga bawal dalhin sa loob ng sementeryo kabilang na ang nakalalasing na inumin, ibat-ibang uri ng pampaingay at matutulis na bagay.