Nag-inspeksyon si Manila Police District Director Brig. General Bernabe Balba sa Manila South Cemetery, limang (5) araw bago ang undas.
Ito ay para alamin ang ipatutupad na seguridad sa nabanggit na himlayan gayundin ang isasagawang koordinasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at pamunuan ng Manila South Cemetery.
Ayon kay Balba, nasa 1,300 mga pulis maynila ang kanilang ipakakalat sa iba’t ibang mga sementeryo, terminal ng bus at iba pang matataong para matiyak ang seguridad sa lungsod ngayong Undas.
Kasabay nito, nananawagan si Balba sa publiko na huwag nang magdala ng mga ipinagbabawal na bagay para maiwasang maabala sa pagbisita sa mga sementeryo.
Una na ring ininspeksyon ni balba ang Manila North Cemetery.