Aabot sa 300 hanggang 400 tauhan ng Manila Police District (MPD) ang idedeploy para sa pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño De Tondo.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni MPD Director PBGen. Andre Dizon na isinasapinal na nila ang kanilang security preparations para sa nasabing selebrasyon.
Magdadagdag din aniya sila ng mga personnel para sa kasabay nitong pista ng Sto. Niño De Pandacan.
Sinabi pa ni Dizon na ilang kalsada rin ang pinag-aaralan nilang isara para sa naturang mga pagdiriwang.