Dalawang magkahiwalay na lugar ang inilaan para sa mga magpoprotesta at tagasuporta ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para maiwasan ang gulo sa kaniyang inagurasyon ngayong araw.
Ayon kay Manila Police District (MPD) chief PBGEN Leo Francisco, maaaring magtungo sa Plaza Miranda ang mga magpoprotesta habang sa Liwasang Bonifacio ang mga supporter ni Marcos.
Nabatid na una nang itinalaga ng pulisya ang mga freedom parks na Liwasang Bonifacio, Plaza Miranda, Plaza Dilao at Plaza Moriones bilang lugar ng pagdaraos ng rally ng mga magpoprotesta at taga suporta ng bagong Pangulo.
Samantala, ilang oras bago ang Oath-taking ni Marcos, nagtipon-tipon na ang mga taga-suporta nito sa Liwasang Bonifacio.