Inihayag ng Manila Police District na paiigtingin nila ang pagbabantay para sa kaayusan at kapayapaan sa Lungsod sa panahon ng Pista ng Sto Niño.
Magpapatrolya ang pulisya sa Tondo kasabay ng pagpapairal ng Liquor ban.
Hindi rin papayagan ang pagtitipon o mass gathering para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod.
Samantala, muling nagpaalala ang Manila Local Government Unit sa mga Barangay Captain na walang palaro sa panahon ng pista.
Hindi rin pahihintulutan na magkaroon ng In-person na misa , kundi sa pamamagitan lamang ng online at wala ring magaganap na prusisyon sa Maynila.