Nanawagan ang Manila Police District (MPD) sa mga nais magsagawa ng kilos-protesta sa araw ng panunumpa ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas sa Hunyo a-30.
Ayon kay MPD director PBGen. Leo Francisco, gawin na lamang sa ibang araw ang kilos-protesta at ipaubaya na lamang ang naturang araw sa bagong administrasyon.
Humiling ng pakikisama si Francisco sa publiko sa araw ng panunumpa ni President-elect Marcos.
Sinabi ni Francisco na nasa 4K mga pulis ang idineploy upang magbantay sa iba’t ibang lugar sa Maynila sakaling sabayan ng mga rally ang oath-taking ng bagong presidente.
May mga naka-standby din na mga pulis mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) sakaling kailanganin pa ang mga ito sa inagurasyon ni President-elect BBM.