Opisyal nang kinilala ng National Historical Commission of the Philippines bilang isa sa mga historical landmarks sa Pilipinas ang MPD o Manila Police District.
Itinatag ang MPD noon pang 1901 sa panahon ng labanan ng mga Amerikano at Pilipino kung saan ang tawag sa mga pulis noong panahong iyon ay pulisyang-sibil.
Ikinalugod naman ni MPD Director Chief Supt. Joel Coronel ang pagkakatatag ng MPD bilang isa sa mga makasaysayang istruktura sa bansa.
Dahil dito, iginiit ni Coronel na hindi na maaaring isangla o ibenta ang gusali ng MPD at ubra rin itong magamit sa mga educational tour.