Tanging mga ospital at botika ang magiging essential establishment sa Sampaloc, Maynila sa panahon ng dalawang araw na hard lockdown.
Ayon kay Lt. Col. John Guiagui, hepe ng Manila Police District (MPD) Sampaloc station, titiyakin nila na walang kahit isang residente ng Sampaloc ang makakalabas ng kanilang tahanan.
Bawat kanto anya ng Sampaloc area ay popostehan ng pulis at barangay official.
It is during the time na merong nagkaroon tayo ng massive decontamination, massive disinfection within, at the same time yung mga PUI’s natin to undergo massive testing doon sa Delpan Complex,” ani Guiagui.