Muling pinalakas ng Metro Pacific Tollways (MPT) South ang kaligtasan sa kalsada para sa mga babyahe ngayong undas at isina-aktibo ang programang “Safe Trip Mo, Sagot Ko” para sa mga high-speed road network nito.
Magbibigay ng libreng towing ang mga toll road ng mpt south sa pinakamalapit na exit para sa mga class 1 na sasakyang mangangailangan ng tulong mula alas sais ng umaga nitong October 28 hanggang alas sais ng umaga sa November 2.
Paiigtingin naman ang magdamagang assistance at palalakihin ang deployment ng traffic operations personnel sa mga toll plaza para masiguro ang maayos na daloy ng trapiko.
Magdamag namang available ang CAVITEX Customer Service Centers, Cavite at Manila Bound, para sa RFID health check, installation at reloading.
Samantala, ang mga karagdagang cash lane para sa mga motoristang nagbabayad ng cash ay bubuksan upang magsilbi sa mga biyaherong walang RFID. - sa panunulat ni Hannah Oledan