Nakahanda na ang Metro Pacific Tollways South(MPT- SOUTH) para sa ligtas na biyahe ng mga motorista ngayong kapaskuhan.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni MPT South Traffic Operations Head Carlo Hipol na nagtalaga sila ng incident responders na anumang oras ay maaaring rumesponde sa mga posibleng sakuna.
Nagdeploy rin aniya sila ng tow truck vehicle kung saan may free towing sa class 1 vehicles mula 6 a.m. ng Disyembre 23 – 26 at January 1-3.
“Mayroon din po tayong mga nakadeployed na mga traffic marshalls ito po iyong mga mapapansin natin na mga assistants patrol natin na nagcoconduct ng mga traffic managements sa mga interchanges natin atsaka sa mga nearby roads natin, para ng sa ganun maensure natin na may magandang traffic zone sa mga nearby roads po natin, papasok at papalabas po ng mga expressway, 24/7 po sila, makikita po natin sa mga kalye po natin, at ang traffic control room din po natin, ano din po 24/7 na nakamonitor din sa atin, at nakaready po anytime upang tumanggap ng mga reports po, either traffic incident man iyan or security incident nakaready po ang traffic incident po natin”
Ang tinig ni Metro Pacific Tollways South, Traffic Operations Head Carlo Hipol, sa panayam ng DWIZ