Naghain na ang Philippine National Police (PNP) ng motion for reconsideration sa Department of Justice (DOJ) kaugnay sa pagkakabasura sa isinampa nilang kaso laban sa mga umano’y drug lords na sina Kerwin Espinosa at Peter Lim.
Tiniyak ni PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na gagamitin nila ang lahat ng legal na paraan para mapanagot ang mga itinuturong nagpapakalat ng iligal na droga sa bansa.
Naniniwala naman si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Roel Obusan na may merito ang kanilang isinampang kaso at mananaig ito sa korte.
Sinabi ni Obusan na ayaw nila ang impluwensyahan at i-pressure si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa nasabing usapin kaya’t hindi nila ito kinakausap.
(Ulat ni Jonathan Andal)