Ibinasura ng Korte Suprema ang apela ng Commission on Elections (COMELEC) na huwag na sanang mag-isyu ng voter receipt.
Sa botong 12-0 pagkatapos ng oral argument, kinatigan ng kataas-taasang hukuman ang naging una nitong desisyon na utusan ang COMELEC na paganahin ang Voter Verifiable Paper Audit Trail (VVPAT) na feature ng mga vote counting machine upang makapag-isyu ng resibo.
Hiniling ng COMELEC sa Korte Suprema na baligtarin ang nasabing kautusan dahil maaantala umano ang mga paghahanda para sa May 9 elections.
Gordon
Tuloy ang eleksyon sa Mayo 9.
Ito ang sinabi ni dating Senador Richard Gordon makaraang katigang muli ng Korte Suprema ang kanyang petisyon na pag-isyuhin ang Commission on Elections ng voter receipt.
Kahina-hinala umano na ayaw ng COMELEC na magbigay ng resibo gayung ito ang magiging katunayang pumasok ang ibinoto ng isang botante.
Sa gitna ng pagbasura ng Korte Suprema sa apela ng COMELEC na wag nang mag-isyu ng resibo, hinimok ni Gordon ang media na busisiin ang COMELEC sa tunay na dahilan kung bakit kontra ito sa voter receipt.
By Avee Devierte | Bert Mozo