Suspendido ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 simula October 31, Sabado hanggang November 2 lunes.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ipatutupad ang pansamantalang shutdown sa MRT para bigyang daan ang gagawing bushing replacement sa depot.
Partikular na kukumpunihin ang bus tie na siyang nagdadala ng suplay ng kuryente patungong depot mula sa Meralco power sources sa Balintawak at Diliman.
Magkakaroon din anila ng turnout activity ang Sumitomo – Mitsubishi Heavy Industries –Tesp.
Sinabi ng DOTr, ang mga naturang aktibidad ay bahagi ng massive rehabilitation at maintenance ng Sumitomo sa buong linya ng MRT 3.