Aminado ang MRT-3 na mababawasan ang kita nila sa kautusan ng Department of Transportation (DOTr) na ilibre ng sakay ang mga estudyante.
Ito ayon kay Engr. Mike Capati, MRT-3 director for operations, ang isa sa mga dahilan kaya’t may piling oras lamang ang ipatutupad nilang libreng sakay sa mga estudyante simula sa Lunes, July 1.
Bukod dito, sinabi sa DWIZ ni Capati na ayaw nilang mapasabak ang mga estudyante sa dagsa ng mga pasahero sa peak hours kaya’t libre ang sakay sa mga ito mula alas-5 ng madaling araw hanggang alas-6 ng umaga at alas-3 ng hapon hanggang alas-4:30 ng hapon.
Alam niyo ‘yung peak hours natin, kung gagawin natin, maiipit po ang mga estudyante d’yan, e. Kung maraming pasahero, etc. Isa rin sa mga nakita naming konsoiderasyon ‘yan, kung ilalagay natin sila doon sa off peak hours, at malilibre, may maganda silang insentive… kahit konti makakabawas ‘yan sa tinatawag natin na volume sa peak hours. And at the same time magandang insentive. Ngayon, doon naman sa finances, alam naman natin na medyo malaki din ang mababawas sa income natin kaya babalansehin natin ‘yan,” ani Capati.
Gayunman, binigyang diin ni Capati na mananaig pa rin ang kanilang social responsibility sa pamamagitan nang pagkakasa ng libreng sakay para sa mga estudyante.
Ayan po ‘yung isa sa mga pinag-aaralan natin, ‘yung ating tinatawag na social responsibility. Ayon po din sa panuntunan ng ating butihing secretary isa to sa mga initiative na ginagawa natin para ba makatulong tayo ng direkta sa ating mga kababayan,” dagdag ni Capati.
Ratsada Balita Interview