Balik-operasyon na ang at Metro Rail Transit line 3 (MRT-3) at Philippine National Railways (PNR).
Matapos ang ilang oras na suspensyon ng operasyon bunsod ng tumamang magnitude 7.0 na lindol sa Abra, na nakapagtala ng intensities sa ilang lugar sa Pilipinas, kabilang ang Metro Manila.
Sinabi naman ng pamunuan ng MRT-3 na nagbalik ang kanilang operasyon sa North at Southbound bandang 10:12 ng umaga kung saan nasa 17 tren ang tumatakbo na.
Samantala, sinabi naman ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na nagpapatupad ng provisionary service sa LRT-2 simula V. Mapa hanggang Antipolo station at pabalik.