Balik na sa pre-pandemic level ang volume ng mga pasahero ng MRT-3 makaraang payagan na ng gobyerno ang full capacity para sa lahat ng uri ng public transport.
Base sa Ridership tally noong Miyerkules, umabot na sa 233,845 passengers ang sumakay sa mga mrt-3 train kumpara sa 234,614 commuters noong March 11, 2020 o ilang araw bago magpatupad ng lockdown ang gobyerno sa Luzon.
Bagaman ibinalik ng pamahalaan ang mass transport services noong June 2020, naging limitado lamang ang seating capacity ng mga tren.
Aminado naman si MRT-3 Operations Director Michael Capati na nahihirapan ang kanilang pamumuan na ipatupad ang physical distancing sa loob ng mga tren kaya’t tinutukan nila ang pagpapatupad ng polisiya sa mga platform ng rail line.
Gayunman, ipinatutupad pa rin anya nila ang pagsusuot ng face masks at ipagbabawal ang pagsasalita o pakikipag-usap sa telepono at pagkain o pag-inom sa loob ng mga tren.