Hindi pa kayang balikatin ng gobyerno ang maintenance ng Metro Rail Transit o MRT-Line 3 makaraang tuluyan na nitong kanselahin ang kontrata sa service provider na Busan Universal Rail Incorporated o BURI.
Ayon yan kay Muntinlupa Representative Ruffy Biazon kung saan, sinabi nito na dapat tutukan muna ng Deparment of Transportation o DOTr ang transition process lalo’t hindi pa rin matigil-tigil ang mga aberyang kinahaharap ng nasabing mass transit.
Kasunod nito, nangangamba si Biazon na lumala pa ang sitwasyon ng MRT sa ilalim ng kontrol ng pamahalaan dahil sa wala itong expertise pagdating sa maintenance ng nasabing tren.
Dagdag pa ni Biazon, batid niya ang mga problema ng MRT lalo’t araw-araw siyang sumasakay dito at ilan sa mga pagkukulang na kaniyang nakikita ay ang pagiging kapos ng kagawaran sa mga tauhan para tutukan ang operasyon nito.
—-