Humingi na ng paumahin ang MRT-3 sa publiko matapos ang nag-viral na larawan sa social media ng mahabang pila ng mga pasahero sa Ortigas Avenue Station noong Miyerkules, Hunyo a – uno.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, dahilan ng mahabang pila ang depektibong escalator sa northbound ng istasyon matapos isara kaya’t nagkaroon na lamang ng single entry at exit point para sa mga pasahero at dumaraan.
Kumitid din ang daanan sa street-level area kaya’t nagsiksikan ang mga nakapilang pasahero o isang tao lamang ang maaaring dumaan paakyat at pababa ng istasyon.
Gayunman, wala namang mahabang pila sa loob mismo ng MRT-3 platform o pag-akyat ng Ortigas Station.
Inalerto na ng MRT-3 ang maintenance provider nito sa insidente habang nagpatupad na ang kanilang mga security personnel ng “stop-and-go” scheme upang ma-control ang dami ng mga pasahero.