Iginiit ng pamunuan ng MRT-3 na wala silang polisiya na nagbabawal sa mga senior citizens na sumakay sa mga tren nito.
Sa pahayag ng MRT-3, sinabi nito na kanilang natanggap ang mga balita sa media ukol sa pahayag ng Commission on Human Rights (CHR), kaugnay sa pagbabawal sa pagsakay ng mga senior citizens sa mga tren nito.
Paliwanag pa ng MRT-3, maaari anilang sumakay ang lahat ng susceptible individuals, lalo’t kung mga essentials ang kanilang pupuntahan. Katulad na lamang ng pagbili ng kanilang pangangailangan o sila’y papasok sa kani-kanilang mga pinagtatrabahuan.
Kasunod nito, iginiit din ng MRT-3, na sumusunod lamang sila sa mga ibinababang direktiba ng Inter-Agency Task Force (IATF).