100% nang ipatutupad ng MRT 3 ang passenger capacity nito simula bukas, March 1 kung kailan isasailalim sa alert level 1 ang Metro Manila at halos 40 pang lugar sa bansa.
Ito ay matapos ihayag ng Department of Transportation (DOTR) na mahigit 1000 pasahero ang kayang isakay ng kada train set o nasa halos 400 kada bagon.
Ayon sa DOTR, ang pagtataas ng kapasidad ng mga tren ay tugon nila sa pagtaas din ng demand sa pampublikong transportasyon sa pagbubukas ng mas maraming establishment sa Metro Manila.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ng DOTR ang publiko sa pagpapatupad ng minmum public health standards kaya’t ipinagbabawal pa rin ang pag-uusap, pagkain, pag inom at pagsagot ng tawag sa telepono habang nasa loob ng tren.