Balik sa normal na ang operasyon ng railway system sa bansa ngayong araw, ika-13 ng Nobyembre.
Ayon sa transportation department, nakumpleto na ng MRT-3, LRT line 1 at 2, at PNR ang kanilang system check sa kani-kanilang mga linya.
Mababatid na lumabas sa kanilang pagsusuri, nasa maayos na lagay ang linya ng mga tren kahit pa nanalasa ang bagyong Ulysses.
Nauna rito, sinuspinde ang mga railway operations kahapon, Nobyembre 12 dahil sa banta ng bagyo.