Magbibigay ng libreng sakay ang Metro Rail Transit Line 3 o MRT-3 para sa mga beterano ngayong linggo.
Ito ayon sa pamunuan ng MRT-3 ay bilang paggunita sa Araw ng Kagitingan sa April 9, Lunes at Philippine Veterans Week.
Ang libreng sakay para sa mga beterano at isang companion o kasama nito ay ibibigay mula April 6, ngayong araw na ito hanggang April 11 simula alas-5:30 ng umaga hanggang alas-10:30 ng gabi.
LOOK: In observance of the 2018 Araw ng Kagitingan and Philippine Veterans Week, MRT-3 offers FREE RIDES to all Filipino veterans (with one free companion), from April 5 to 11, 2018. | via @DOTrPH pic.twitter.com/9YARn4Zk1V
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) April 5, 2018
—-