Magpapatupad ng reduced capacity ang pamunuan ng MRT 3 sa mga biyahe ng tren nito simula sa Lunes, July 6.
Ito ay matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 67 pang tauhan sa MRT 3 depot.
Dahil dito 89 na tauhan ng Sumitomo Mitsubishi Heavy Industries at tatlo mula sa MRT 3 ang nagpositibo na sa COVID-19.
Sinabi ni Transportation Undersecretary for Railways Timothy Batan na bahagyang maapektuhan ang kanilang operasyon dahil maraming maintenance personnel nila sa depot ang nakasailalim sa quarantine.
Tiniyak naman ng MRT 3 management na COVID-19 free pa rin ang lahat ng kanilang stations personnel.