Magpapatupad ng tigil operasyon ang pamunuan ng MRT-3 sa darating na ika-30 ng marso hanggang sa a-kwatro ng Abril.
Sa abiso ng MRT-3, ang naturang hakbang ay para bigyang daan ang gagawing scheduled maintenance at rehabilitation activities sa naturang rail line.
Kabilang sa mga aktibidad na gagawin ay ang pagpapalit ng mga railway turnout at point machine sa depot, at paglalagay ng mga CCTV.
Paliwanag ng MRT-3, ang mga turnout ay ginagamit para makalipat ang isang tren mula sa isang track papunta ng ibang track.
Habang ang mga point machine naman ay ginagamit para kontrolin ang operason ng mga railway turnouts mula sa control center nito.
Sa huli, iginiit ng MRT-3 na ang mga ito ay mahalagang gawin para masiguro na maayos ang railway signaling at pagpapatakbo ng mga tren.