Sususpindehin pansamantala ang byahe ng MRT-3 simula sa unang weekend ng Hulyo at tatagal hanggang sa ikalawang weekend ng Setyembre.
Ayon sa DOTr MRT-3, layon ng suspensyon na pabilisin ang rail replacement nito sa bagong MRT-3 na nakatakdang matapos sa Setyembre sa susunod na taon.
Batay sa abiso na inilabas ng MRT-3, ang naturang suspensyon sa byahe ay isasagawa sa mga sumusunod na araw:
Hulyo A4 AT A5,
Agosto A8, A9, A21, at A23,
Setyembre A12 at A13.
Sa nasabing mga petsa, dito na gagawin ang rail replacement sa parehong south at northbound tracks, at ang turnouts tracks na nasa North Avenue at Taft Avenue Stations.
Samantala, oras na makumoleto ang naturang replacement works, maitataas sa hanggang sa 60kph ang mga takbo ng mga tren ng MRT-3.