Maniningil na muli ang pamunuan ng Metro Rail Transit- line 3 (MRT-3) ng minimum na pasahe simula July 1.
Ito’y kasunod ng pagtatapos ng programang libreng sakay ng MRT-3 sa Hunyo a-30 dahil sa pagpapalit ng administrasyon.
Mababatid na nasa 13 pesos ang minimum fare sa kada istasyon ng tren habang 28 pesos naman mula sa North Avenue hanggang Taft Avenue Station.
Ayon sa kanilang pamunuan, ito na ang pinakamatagal na libreng sakay sa operasyon ng MRT-3 na nagsimula noong March 28 kung saan naitala ang pinakamaraming bilang ng mga pasahero na umabot sa 381,814 noong June 10.
Ipinagmamalaki naman ng MRT-3 na ang bumuting operasyon nito ang iiwang pamana ng administrasyong Duterte at ng Department of Transportation (DOTR).