Muling nagkaaberya ang operasyon ng Metro Rail Transit 3 kaninang alas 7:00 ng umaga.
Pinababa ang mga pasaherong sakay ng northbound train sa Guadalupe Station sa Makati City makaraang makaranas ng technical failure ang naturang tren.
Dahil dito, pinayuhan ng isang MRT-3 personnel ang mga naabalang pasahero na gumamit muna ng ibang mode of transportation.
Samantala, normal naman ang operasyon mula Shaw Boulevard patungong North Avenue northbound sa Quezon City.
By: Meann Tanbio