Muling nakaranas ng aberya ang Metro Rail Transit (MRT) 3 matapos huminto ang tren sa interstation ng Kamuning at Quezon Avenue at North Avenue, mag-a-alas nwebe kagabi.
Ito, ayon kay MRT Operations Director Michael Capati, ay dahil sa electrical problem partikular ang mababang power supply sa overhead catenary system kaya’t nag-trip ang kawad ng kuryente.
Naghintay aniya ang mga pasahero ng kalahating oras bago nabuksan ang mga pinto ng tren at nakalabas sila at naglakad sa riles.
Iniimbestigahan ng Department of Transportation (DOTr) ang dahilan ng nabanggit na technical problem.