Nakaranas ng problema sa biyahe ng MRT-3 ang mga pasahero nito kaninang umaga.
Ayon sa abiso ng MRT-3, alas-8:29 ng umaga nang magkaroon ng problema sa Overhead Catenary System sa Cubao (Southbound) at naresolba naman ito makalipas ang halos 20-minutos.
MRT-3 ADVISORY: Overhead Catenary System (OCS) has encountered a technical problem at Cubao Station (south bound). The technical problem was resolved at 8:48 AM. | via @dotrmrt3
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 27, 2020
Subalit, bago pa mag-alas-7 ng umaga ay dumagsa ang reklamo ng mga pasahero, partikular ang mga nasa Cubao station kung saan nag-stop entry na dakong alas-6:57 ng umaga –base sa tweet ng mga netizen.
Humingi naman ng paumanhin ang MRT-3 sa kanilang mga pasahero hinggil sa nasabing insidente.