Ipinag-utos na ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line-3 na ilagay na sa half-mast ang mga watawat sa lahat ng kanilang istasyon.
Ito’y bilang pagpupugay at pakikiisa sa pagdadalamhati para sa limampung sundalong nasawi sa pagbagsak ng C-130h Hercules military aircraft sa Patikul, Sulu.
Ayon sa MRT-3, mananatiling naka-half mast ang mga bandila hanggang Biyernes.
Naganap ang trahedya kasabay ng pagtatapos ng sampung araw na national period of mourning para kay Dating Pangulong Noynoy Aquino, na dating commander-in-chief ng Armed Forces of the Philippines. —sa panulat ni Drew Nacino