Nasa 450 mga pasahero ng Metro Rail Transit-Line 3 (MRT-3) ang pinababa sa southbound ng Cubao Station –mag-aalas-6 kaninang umaga.
FLASH: MRT3, nagka-aberya | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/9NG2kBligO
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 16, 2020
Batay sa ulat ng pamunuan ng MRT-3, nakaranas ng electrical failure ang motor sa isa sa mga bagon ng tren bunsod naman ng nasirang electrical subcomponents.
Paliwanag ng pamunuan ng MRT-3, luma na ang mga wirings sa apektadong bagon kaya nasunog ang linya ng kuryente nito.
Agad namang naisakay sa kasunod na tren ang mga pinababang pasahero matapos ang 15-minuto.
Kasunod nito, humingi ng paumanhin at pang-unawa ang MRT-3 sa kanilang mga mananakay matapos magresulta ang insidente sa paghaba ng pila sa bahagi ng North Avenue, Quezon Avenue at Cubao Station. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)