Balik-normal na ang operasyon ng MRT-3 ngayong araw, Lunes, matapos ang ipinatupad na weekend shutdown.
TINGNAN: Balik-operasyon ngayong araw, ika-16 ng Nobyembre 2020, ang mga tren ng MRT-3 matapos ang dalawang araw ng suspensyon ng mga biyahe nito upang magbigay-daan sa bushing replacement sa depot at turnout activity sa Taft Avenue avenue station. pic.twitter.com/wGcJflbmHW
— DOTr MRT-3 (@dotrmrt3) November 15, 2020
Ang unang biyahe ng mga tren mula North Avenue Station ay umalis ng alas-4:37 ng umaga at alas-5:17 ng umaga naman mula sa Taft Avenue Station.
Ang weekend shutdown ay isinagawa para bigyang-daan ang bushing replacement sa depot at turnout activity sa Taft Avenue Station.
Dahil sa rehabilitasyon sa MRT-3, unti-unti nang naitaas ang speed limit nito na ngayo’y nasa 50 kilometers per hour (kph) at target pang mai-akyat ito sa 60 kph kapag natapos na ang turnouts.