Naging malala pa ang operasyon ng MRT 3 sa nakalipas na taon simula nang i take over ng Department of Transportation ang maintenance service nito.
Ayon sa report ng COA, noong 2018 naitala ang pinakamababang bilang ng mga pasahero ng MRT 3 gayundin ang benta nito lalo na’t 13 lamang mula sa 24 na train sets ang gumagana kada araw.
Tinukoy ng COA ang apat na taong analysis ng MRT operations na bumagsak ng 26 porsyento ang taunang bilang ng mga sumasakay dito gayundin ang kita nito.
Sinabi ng COA auditors na ang mababang bilang ng mga insidente at pagtigil ng operasyon ng MRT tulad ng pag aalis ng mga tren, service interruptions at passenger unloading noong 2018 ay dahil sa kakulangang ng train sets at hindi sa usapin ng efficiency.