Pansamantala munang suspendido ang operasyon ng Metrorail Transit Line 3 (MRT-3) mula Sabado, ika-31 ng Oktubre, hanggang sa Lunes, ika-2 ng Nobyembre.
Ito, ayon sa Department of Transportation (DOTr), ay upang bigyang daan ang gagawing bushing replacement at turnout activity ng Sumitomo-MHI-TESP sa bahagi ng Taft Avenue Station.
Dagdag pa ng DOTr, ang naturang aktibidad ay bahagi ng rehabilitasyon at maintenance sa mga linya ng MRT-3.
Ang temporary shutdown ay ipatutupad upang magbigay-daan sa gagawing bushing replacement sa depot at turnout activity sa Taft Avenue station ng Sumitomo-MHI-TESP.
— DOTr MRT-3 (@dotrmrt3) October 21, 2020