Tigil operasyon muna ngayong weekend ang MRT 3.
Ito ang unang weekend na magpapatupad ng shutdown ang MRT 3 para mapabilis ang pagpapalit ng mga riles nito.
Ayon sa pamunuan ng MRT 3 para matiyak na mayroong masasakyan ang mga pasahero 90 bus ang ide-deploy sa ilalim ng MRT 3 bus augmentation program kung saan ang unang bus ay aalis ng alas 5:00 ng umaga at alas 8:00 ng gabi naman ang huling biyahe ng bus sa North Avenue at Taft Avenue Stations.
Ang loading stations sa southbound ay sa North Avenue at Quezon Avenue stations habang ang unloading stations ay sa Ayala at North Avenue stations.
Ang loading stations naman sa Northbound ay sa Taft Avenue at Ayala Stations at ang unloading stations ay sa Ayala, Quezon Avenue at North Avenues stations.
Inaasahang matatapos ang rail replacement works sa MRT 3 sa September kaya’t ikinakasa pa ang tigil operasyon nito ng mga weekend ng August 8 at 9, August 21 hanggang 23 at September 12 at 13.