Balik na sa 60 kilometers per hour (kph) ang bilis ng takbo ng mga tren sa Metro Rail Transit – Line 3 (MRT-3).
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, Setyembre ng taong 2013 nang huling maitala sa 60 kph ang takbo ng kanilang mga tren.
Nabawasan din, anila, mula sa 1-oras at 15-minuto noong Setyembre, patungong 50-minuto na lamang ngayong Disyembre, ang travel time ng kanilang mga mananakay.
Natapyasan din sa 3.5 hanggang 4-minuto ang dating 8 hanggang 9.5-minutong waiting time ng mga pasahero.
Dahil dito, mas marami ring pasahero ang kanilang maseserbisyuhan, ngunit iiral pa rin, anila, ang 30% seating capacity sa mga tren sa gitna ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Samantala, magugunita namang pumapalo sa 30 kph ang takbo ng MRT-3 trains noong Setyembre, 40 kph noong Oktubre, at 50 kph noong Nobyembre.
PANOORIN: Tumatakbo na sa bilis na 60kph, mula sa dating bilis na 50kph, ang mga naka-deploy na tren sa linya ng MRT-3 simula noong Lunes, ika-07 ng Disyembre 2020 pic.twitter.com/sxyMrnOGwH
— DOTr MRT-3 (@dotrmrt3) December 8, 2020