Sisimulan na sa Abril 2022 ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 7 o MRT-7 na ginastusan ng 63 bilyong pondo ng pamahalaan.
Nabatid na dumating sa bansa ang dalawang train set mula sa South Korea.
Ayon kay Department Of Transportation, o DOTR Secretary, Arthur Tugade, tuloy-tuloy na ang operasyon ng mga tren sa susunod na taon.
Kunektado ang naturang tren sa North Avenue sa Quezon City hanggang San Jose Del Monte sa Bulacan.— sa panulat ni Angelica Doctolero