Malapit nang matapos ang Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7) na magdurugtong sa North avenue sa Quezon City patungong San Jose del Monte, Bulacan.
Ayon sa Department of Transportation (DOTR), nasa 52% nang tapos ang pagsasagawa sa linya ng MRT-7 na ikokonekta sa MRT-3 at LRT-1.
Layunin ng Pamahalaan na mapalawak ang access at tuloy-tuloy na pagbiyahe ng mga pasahero sa loob lamang ng 35 minuto mula sa dating 2 hanggang 3 oras.
Maglalagay ang DOTR ng 108 rail cars sa MRT-7, na may 36 Train sets.
Sa ngayon, nalalabing pitong buwan na lamang ang hihintayin para matapos ang Mass Transport Project. —sa panulat ni Angelica Doctolero