Target na masimulan ng Department of Transportation (DOTr) ang partial operation ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7).
Sinabi ni DOTr Undersecretary Timothy Batan, nasa 65% na ang progress rate ng mahigit 68 billion pesos MRT-7 project na inaasahan na maging fully operational sa susunod na taon.
Dagdag ni Batan, tatakbo ang MRT-7 mula North Avenue, Quezon City hanggang San Jose Del Monte Bulacan.
Samantala, naniniwala naman si Batan na malaking tulong ang proyekto sa pagpapabilis ng biyahe dahil mula sa dating dalawang oras ay aabot na lamang ng 30 minutes mula QC hanggang Bulacan.
Aabot naman sa mahigit 300,000 pasahero kada araw sa unang taon ang inaasahan ng DOTr na pagsisilbihan ng MRT-7.