Inaasahang bubuksan na sa katapusan ng taon ang Metro Rail Transit line 7.
Ito ang 22-kilometer elevated railways na nagdunagdurugtong sa Metro Manila at Bulacan sa pamamagitan ng Commonwealth Avenue.
Gayunman, ayon sa San Miguel Corporation, target simulan sa 2026 ang fully operations nito.
Binigyan-diin ni SMC Chairman at CEO Ramon Ang, nananatili ang proyekto sa tamang landas para sa paglulunsad nito sa 2026.
Kaugnay nito, nilagdaan naman ng nasabing operator ang isang operations and maintenance agreement sa Korea Railroad Corporation.
Tutulong ang Korail sa pagtataguyod ng mga pangunahing operational system, safety protocols, at overall guidance para sa paglulunsad ng MRT-7.
Magsisimula sa July 2025 ang kasunduan, kung saan ang paunang anim hanggang labindalawang buwan ay nakalaan para sa pagsasapinal ng pre-operational requirements at sa pagpapatatag ng mga pangunahing sistema.