Dalawang beses nakaranas ng aberya ang Metro Rail Transit o MRT-3 ngayong All Soul’s Day.
Alas-5:27 kaninang madaling araw nang babain ang mga pasahero sa northbound ng Ayala Station dahil sa automatic train protection failure.
Nasundan pa ito dakong alas-8:10 ng umaga kung saan muling pinababa ang mga pasahero ng southbound ng North Avenue Station dahil sa hindi sumara ang pintuan ng tren.
Matatandaang kahapon, tatlong beses nagka-aberya ang MRT kahit pa walang masyadong pasahero dahil Undas na deklaradong holiday.
—-