Dalawang beses nagkaaberya ang biyahe ng Metro Rail Transit o MRT kaninang umaga.
Alas-8:15 ng umaga nang pababain sa Cubao Station Southbound ang mga pasahero ng MRT.
Category 2 naman ang insidenteng naganap matapos ang halos isa’t kalahating oras o mag-aalas-10:00 ng umaga kung kailan pinababa ang mga pasahero sa Magallanes Station Northbound.
Kapwa teknikal ang problema sa dalawang aberya ng MRT sa unang araw ng linggong ito.
Humingi naman ng paumanhin ang MRT management sa mga naturang aberya.
Magugunitang kahapon ay umusok ang isang bagon ng MRT pasado alas-10:00 ng umaga at pinaglakad ang mga pasahero sa riles ng tren hanggang Kamuning Station.
—-