Nagpasaklolo na sa National Bureau of Investigation (NBI) si Metro Rail Transit (MRT) – 3 General Manager Roman Buenafe.
Kaugnay ito sa di umano’y pananabotaheng nangyari sa MRT kasunod ng aberya nito noong Biyernes sa unang araw ng bagong maintenance provider nitong Busan Transport Group.
Ayon kay Buenafe, posibleng sinadya ang dalawang beses na paghinto ng tren dahil sa problema sa signalling device.
Aniya, bago ito ay marami nang kahina-hinalang nangyari sa depot tulad ng pagtamper sa modem at pagkakadiskubre ng sako ng graba sa ibabaw ng isang tren.
By Rianne Briones