Nagpatupad ang Metro Rail Transit (MRT- line 3) ng provisional operations mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard.
Ito’y dahil sa rolling stock problem sa interstations ng Taft at Magallanes Northbound.
Sa ngayon, 8 train units lamang ang tumatakbo sa nasabing ruta bunsod ng limitadong operasyon.
Samantala, iniimbestigahan na ng pamunuan ng MRT-3 ang sanhi ng problema na nagresulta sa paglilimita ng biyahe ng kanilang mga tren.