Ini-award na ng Department of Transportation and Communications (DOTC) sa isang Korean-Filipino group ang long-term maintenance contract ng Metro Rail Transit (MRT)-3.
Simula January 5, 2016, kailangang makumpleto ng joint venture na Busan Transportation Corporation, Edison Development and Construction, Tramat Mercantile, Tmicorp at Castan Corporation ang general maintenance requirement sa loob ng tatlong taon.
Pangangasiwaan ng grupo ang general overhaul ng mga tren at total replacement ng mga signaling system na saklaw ng P3.8 billion peso contract.
Inaasahang i-poprocure ng bagong service provider ang kailangang spare parts upang madagdagan ang mga bumibyaheng tren lalo kapag peak hours.
Dahil dito, inaasahan na rin na magkakaroon ng mga improvement sa serbisyo ng MRT.
By Drew Nacino