Magkakaroon na ng libreng Wi-Fi sa Metro Rail Transit o MRT.
Batay sa nilagdaang memorandum of understanding sa pagitan ng pamunuan ng MRT 3 at Globe Telecom, magagamit na ng mga pasahero ang libreng Wi-Fi bago matapos ang buwan ng Hunyo.
Ayon kay MRT 3 Head Executive Assistant joel Erestain, layon din nitong mahikayat ang mga pasahero na mag-post sa social media ng mga reklamo kung may aberya sa sinakyan nilang trem.
Abot ang libreng Wi-Fi mula sa platform hanggang sa loob ng tren ng MRT.
Limitado lamang ang paggamit ng libreng Wi-Fi sa MRT sa 30 minuto kada pasahero sa loob ng isang araw.
By Ralph Obina